Isang eksperto, naniniwalang posibleng maagapan ang sinasabing COVID-19 surge sa Mayo kung maibibigay na ang 2nd booster shot

Naniniwala si Dr. Nina Gloriani, ang pinuno ng Vaccine Expert Panel na posibleng maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19 surge sa susunod na bwan kung maituturok na agad ang 4th dose o 2nd booster shot sa ilang piling sektor.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Gloriani na makalipas kasi ang 5 hanggang 7 araw matapos maturukan ng bakuna ay babalik na yung neutralizing antibodies.

Paliwanag ni Gloriani, makatutulong ito sa pagtaas ng proteksyon laban sa virus na posibleng magdulot ng surge.


Aniya, importante ang napapanahong aksyon ng pamahalaan upang hindi mahuli at ma-expose sa virus ang vulnerable sectors.

Sinabi pa nito na para sa medical healthworkers, mga senior citizens at immunocompromised individuals ay dapat apat na buwan na ang interval bago sila turukan ng 2nd booster shot.

Facebook Comments