Isang election advocate, ikinalungkot ang pagbasura sa impeachment complaint laban kay COMELEC Chair Bautista

Manila, Philippines – Isang malungkot na araw para sa bansa ang hindi pagkalusot sa form at substance ng impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ito ang ipinahayag ng election advocate na si Atty. Glenn Chong.

Ayon kay Chong, ang isa sanang pagkakataon para magkaroon ng sariwang panimula sa eleksyon sa bansa ay naglaho.


Ipinakita ng aksyon ng mga mambabatas na kontrolado na ng COMELEC at Smartmatic ang bansa.

Kahit mga mambabats ay yumuyuko sa kanila.

Facebook Comments