MANILA – Maging ang election watchdog na Legal Network for Truthful Elections ay pabor din na ipagpaliban muna ang nakatakdang rematch nina Pambansang Kamao Manny Paquiao at Timothy Bradley sa April 2016.Kasunod na rin ito nang warning ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na posibleng may kaharaping parusa si Pacquiao sakaling mapatunayang lumabag siya sa Fair Election Act.Sa interbyu ng RMN kay LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos, Sinabi nito na hindi magiging patas sa ibang kandidato ang exposure ni Pacquiao na tumatakbong senador sa kanyang laban kontra Timothy Bradley Jr.Sinabi ni Caritos na maaari namang gawin pagkatapos na lang ng eleksyon ang ikatlong Pacquiao-Bradley fight.Pero kahit parehas nang pananaw ang LENTE at si Commissioner Guanzon sa laban ni Pacquao, sinabi ni Caritos na hindi na dapat nagsalita ang opisyal sa isyu lalo na’t isa siya sa miyembro ng Comelec En Banc na magde-desisyon, sakaling may magsampang kaso laban sa pambansang kamao.Una nang nagpahayag si Pacquiao ng kahandaan na i-urong ang kaniyang laban kung ito ay lalabag sa patakaran sa eleksyon, pero sa ngayon ay patuloy pa rin ang kaniyang training.
Isang Election Watchdog, Kinampihan Si Comelec Commissioner Rowena Guanzon Sa Panawagang Ipagpaliban Muna Ni Pambansang
Facebook Comments