Isang empleyado ng Airport nakipagsuntukan, binaril patay sa San Juan City

253

Patay ang 33 anyos na Airport maintenance matapos barilin ng kanyang nakaaway sa Road 7 corner Road 4 Brgy. West Crame, San Juan City.


Tama sa dibdib ang ikinamatay ng biktima na kinilalang si Fernando Magturo isang binata

Ayon kay P/Col. Jaime Santos nauwi sa suntukan ang komprontasyon sa pagitan ng biktima at suspek na si Jhomel De Castro, 28 anyos.

Sa pahayag ng mga nakasaksi nadehado sa suntukan ang suspek kayat itoy umuwi ng kanilang bahay at pagbalik ay armado na ng isang sumpak at paulanan ng bala si Magturo.

Isinugod sa San Juan Medical Center ang biktima pero hindi na rin nagawa apng maisalba ang kanyang buhay.

Pinaghahanap na ang tumakas na suspek patu go sa Barangay Greenhills dala ang ginamit na improvised shotgun.

Facebook Comments