PHIVOLCS pinaghahanda ang publiko sa mabilisang paglikas bilang paghahanda sa anumang aktibidad ng Bulkang Taal

187147

Kasunod ng pagbaba sa alert level 3 ng bulkang taal muling pinaalala ng phivolcs sa publiko na may banta parin ng mapaminsalang pagsabog.

Sa ngayon mula sa 14km, 7km nalang mula sa bulkang taal ang.nasa istado ng danger zone tulad ng  bayan ng Laurel at Agoncillo.


Ayon kay Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum, sa kabila ng pagbaba ng aktibidad ng bulkan dapat manatiling alerto.

Dapat aniya handa sa mabilisang paglikas at ugaliing   nakaanbay sa bawat anunsyo mula sa PHIVOLCS at local na pamahalaan.

Tinitak ni solidum na bantay sarado nila ang bulkan kung saan nakakalat ang kanilang mga  aparato tulad ng pag-monitor sa lindol galaw ng magma at iba.

Facebook Comments