Isang empleyado ng LBO sa Taguig City, inaresto ng NBI sa pangongotong

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Technical Intelligence Division ang isang empleyado ng Local Building Office (LBO) ng Taguig City sa kasong robbery extortion.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Sandy Frias y Cabalida, na naaresto sa isinagawang entrapment operation.

Ayon kay OIC-Director Distor, nag-apply umano ang kompanya ng complainant ng building permit o Certificate of Occupancy noong January 19, 2021, nang humingi na ang complainant ng certificates, sinabi umano ng suspek na naibibigay lamang ito kapalit ng ₱800,000.00, na kalaunan ay bumaba sa 400,000.00.


Makalipas ang 3 buwan na pag-aantay hindi pa rin naibibigay ang certificates kaya’t nagpasya na ang complainant na dumulog sa NBI at ikinasa ang entrapment operation.

Sinampahan si Frias ng robbery extortion.

Facebook Comments