Isang empleyado ng Senado na nagpositibo sa COVID-19, pumanaw na

422

Isang empleyado ng Senado na nagpositibo sa COVID-19 ang nasawi kaninang hapon habang nakaconfine sa isang ospital.

Ayon kay Senate Secretary Atty. Myra Villarica, ang nabanggit na empleyado ay itinuring na critical COVID patient.


Sa impormasyon ni Atty. Villarica, bumubuti na ang kondisyon ng pasyente pero bigla na lang bumagsak ang oxygen level nito.

Ito na ang ikalawa ng empleyado ng Senado na nasawi sa virus.

Sa ngayon ay nasa 20 na ang empleyado ng Senado ang tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments