Labi ng BuCor personnel na natagpuang patay sa medium security compound ng NBP, isinailalim na sa autopsy

176

Isinailalim na sa autopsy ang labi ng tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na natagpuang patay sa Medium Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Nagsasagawa na rin ng hiwalay na parallel investigation ang BuCor.


Wala ng buhay nang matagpuan sa Post Tower 4, East Perimeter Wal ng Medium Security Compound ng NBP si Edmund Molina, Corrections Officer 1, 29-anyos at may tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, ang katawan ni Molina ay natagpuan ng nagro-roving na shift supervisor na agad humingi ng tulong sa iba pang BuCor personnel.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Southern Police District SOCO team sa insidente.

Facebook Comments