United Kingdom – Nagawa ng imbentor mula sa UK na si Richard Browning na lumutang ng ilang talampakan at magpaikot-ikot sa ere ng ilang sandali gamit ang iron man suit.
Ipinagmalaki ni Browning ang kanyang imbensyon sa isang conference sa Vancouver, Canada.
Sa edad na 38, nagawa ng engineer na si Browning na maging posible ang iron man suit na gawa sa anim na maliliit na jet engine na siyang nag-aangat sa may suot nito.
Lumilipad ang iron man suit na kanyang inimbento sa bilis na 320 kilometer per hour sa loob ng sampung minuto.
Gumastos si Browning ng 800 British pound o mahigit 51 milyon pesos para sa iron man suit.
Facebook Comments