Mahigit 20 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa San Juan City

142

Manila, Philippines – Aabot sa 22 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Brgy. West Crame, San Juan City.

Sumiklab ang sunog mula sa pinapaupahang bahay ng pamilya padua sa road 11, pasado alas 11 kagabi.

Dakong alas 12:06 na ng hatinggabi nang ideklarang fire out ang sunog na itinaas sa ikalawang alarma.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, napabayaang nilulutong pagkain ang sanhi ng sunog.

Nabatid na pawang gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis kumalat ang apoy.

Tinatayang nasa 1.5 milyon halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog na ikinasugat ng dalawang babaeng residente.

DZXL558

Facebook Comments