Isang eroplano, lumagpas sa runway ng NAIA

784

Lumagpas sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang eroplano kaninang madaling araw.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal – mag-te-take off na ang aircraft 321 ng Jetstar airline na patungo sana ng Japan.


Dito na lumagpas ang eroplano sa shoulder ng Runway 13 at nabalahaw.

Ligtas namang naibaba ang mga pasahero.

Siniguro ni Monreal na walang masyadong epekto sa operasyon ng paliparan ang insidente.

Iniimbestigahan na ito ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Tiniyak naman ng MIAA maiaalis ang eroplano sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments

From Advertisers