Isang estudyante, nagsauli ng pera

236

Manila, Philippines – Hinahangaan ngayon ang isang estudyante ng Balisong Elementary School sa Taal, Batangas matapos itong magsoli ng pera.

Nagpupulot ng basura ang estudyanteng si Juan Carlo Pesigan ng makita niya ang pera na nagkakahalaga ng P1,020.00.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa kaniyang class adviser na si Benilda Aquino kung saan napag-alaman na pagmamay-ari ito ng hepe ng taal police na si Senior Inspector Ma. Carizza Matel-Morallos.


Nahulog ng nasabing pulis ang pera nang magsagawa sila ng feeding program sa eskwelahan kaya’t nang maisauli ito sa kaniya ay binigyan naman niya ng bagong sapatos si Pesigan bilang pasasalamat sa ginawa nitong kabutihan.

Facebook Comments