Ilang bahagi ng Quezon City, Marikina at Taguig, mawawalan ng suplay ng tubig

199

Manila, Philippines – Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City, Marikina at Taguig.

Sa abiso ng Manila Water, lima hanggang walong oras ang itatagal ng water interruption.

Alas-10:00 ng gabi mamaya hanggang alas-4:00 ng umaga ng huwebes (July 6) mawawalan ng tubig sa bahagi ng Tandang Sora, Quezon City dahil magsasagawa dito ng pipe replacement.


Samantala, sa marikina naman, alas-10:00 ng gabi din mamaya hanggang alas-6:00 ng umaga bukas mawawalan ng tubig ang bahagi ng San Roque dahil sa leak repair na gagawin sa Redwood Cor. Gil Fernando Avenue.

Mawawalan din ng suplay ng tubig ang bahagi ng barangay pinagsama sa Taguig City mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 3:00 ng madaling araw kung saan magsasagawa ng line meter declogging sa bahagi ng MRT corner veterans road.

Tiniyak naman ng Manila Water na agad ibabalik ang suplay ng tubig sa sandaling matapos ang mga aktibidad.



Facebook Comments