Isang Estudyante sa Cauayan City, Timbog sa Kasong Panggagahasa!

409

*Cauayan City, Isabela- *Timbog ngayong tanghali ng Enero 03, 2019 ang isang estudyante matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela

Ang nadakip ay isang 15 taong gulang, binata, estudyante at residente ng Brgy. Rogus, Cauayan City.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng PNP San Mateo ang menor de edad na suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Ariel M. Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Rape.

Ang mga rape case nito ay naitala sa korte sa docket bilang 40-12089 hanggang 40-12093.

Dinala sa himpilan ng PNP Cauayan City ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago dinala sa City Social Welfare and Development (CSWD) Office ng Cauayan.

Facebook Comments

From Advertisers