Isang factory worker nahulihan ng patalim sa paligid ng Comelec

Manila, Philippines – Kalaboso at sinampahan na ng kasong Illegal Possession of Bladed Weapon in Relation to Omnibus Election Code ng Ermita Police Station Station 5 ng Manila Police District (MPD) ang isang factory worker matapos na mahulihan ng patalim Comelec Head Office sa Gen. Luna Street corner A. Soriano Street, Intramuros, Manila.

Nakilala ang suspek na si Silverio Suarez Jr. 26-anyos binata factory worker at residente ng Lot 57 Block 22 Phase 2 Area 1, North Bay Boulevard South, Navotas City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, napansin ng members ng AFP na naka-detailed sa Comelec na paikot-ikot sa lugar na may kahina-hinalang pagkilos habang bitbit ang isang maliit na kahoy at nang lapitan ng sundalo para tanungin kung ano ang kanyang sadya sa lugar ay pabalabag siyang sinagot ng suspek kaya at agad na kinapkapan ito at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang patalim kaya dinampot si Suarez at dinala sa himpilan ng pulisya upang sampahan ng kaso.


Facebook Comments