Isang Filipina nurse sa UK, unang nagsagawa ng pagpapabakuna laban sa COVID-19

Isang Filipino nurse mula United Kingdom (UK) ang kauna-unahang health worker na nagsagawa ng pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19 sa labas ng clinical trials.

Kinilala ang nurse na si May Parsons, na pinuri ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce, lalo’t libo-libo sa mga medical frontliners sa UK ay mga Pilipino.

Sa programang “Good Morning Britain”, sinabi ni Parsons na ikinagagalak niyang maging bahagi ng makasaysayang yugto sa laban sa COVID-19.


Ang 90-anyos naman na si Margaret Keenan ang kauna-unahang binakunahan kontra COVID-19 sa labas ng clinical trials, gamit ang bakunang na-develop ng Pfizer-BioNTech.

Bahagi ito ng mass vaccination program ng UK, na unang bansa sa mundo na gumamit ng Pfizer vaccine matapos itong aprubahan ng kanilang regulator noong isang linggo.

Sa ilalim ng vaccination program ng UK, uunahin ang mga residente ng care homes, mga may edad 80 pataas, at health at social care workers.

Facebook Comments