Dalawang potential COVID vaccines ng China, lusot na sa Ethics Board at Experts Panel

Photo Courtesy: Science Mag

Lusot na sa Ethics Board at sa Vaccine Expert Panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) ang COVID-19 vaccine na Sinovac at Clover para magsagawa ng clinical trial sa bansa.

Ayon kay DOST – Philippine Council for Health Research Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, naisumite na sa Food and Drug Administration (FDA) ang evaluation sa dalawang bakuna para sa final regulatory approval.

Aniya, ang FDA ang magbibigay ng huling hatol kung dapat payagan ang bakuna na mapag-aralan sa mga Pilipino.


Sa kabuuan, lima aniya ang kumpanyang nag-apply para sa cilinal trial sa bansa.

Facebook Comments