Isang Filipino-American artist, hinahangaan ngayon dahil sa talent nitong magbigay buhay sa ordinaryong manika

Panghimagas – Isang Filipino-American artist na nakabase sa Anheim, California ang hinahangaan ngayon dahil sa kakaiba at mala-obra nitong masterpiece na mga manika.

Ang artist na si Noel Cruz ay kayang gawing real-life ang isang ordinaryong manika kung saan nagsimula siya sa ganitong ideya noong 2001 habang naghahanap ng manika na ireregalo niya sa kaniyang asawa.

Dahil dito, naisipan ni Noel na pagandahin pa ang mga manika at ihalintulad ito sa real life character tulad nina Wonder Woman, Malificent at Harry Potter.


Dagdag pa ni Noel, hindi ito basta-basta laruan para sa mga bata dahil pawang mga mayayaman na kolektor ang bumibili nito na ang bawat isa ay may presyong aabot sa $500 hanggang $3,500. (P25,242.00 hanggang P176,697.00).

Facebook Comments