Isang Filipino crew member, natagpuang patay sa isang beach sa Vanuatu

501

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino crew member ng isang foreign vessel ang natagpuang wala nang buhay sa isang beach sa Vanuatu sa South Pacific Ocean.

Ang naturang Pinoy ay unang napaulat na nawawala sa kanyang sinasakyang barko.


Ayon kay DFA executive director for strategic communications Ivy Banzon-Abalos, ang Philippine Embassy sa Australia sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Vanuatu ay nakikipag-ugnayan na sa manning agency ng Pinoy seafarer at naabisuhan na rin ang pamilya nito.

Una nang kinumpirma ng mga otoridad sa Vanuatu na infected ng COVID-19 ang biktima.

Facebook Comments