Isang Ginang, Inireport ang Fake Account na Gumamit sa Kanyang Larawan

Cauayan City, Isabela- Isang Ginang mula sa Lungsod ng Ilagan ang nagpatulong sa 98.5 iFM Cauayan upang maireport ang isang pekeng Facebook account na gumamit sa kanyang mga larawan.

Ayon kay Ms. Cherry Mae Resureccion, hindi aniya nito gamit ang account na may pangalang ‘Mila Dancel’ dahil ginamit lamang ang kanyang litrato bilang profile picture ng nasabing pekeng FB account.

Nilinaw din nito na hindi siya ang nakakapalitan ng mensahe at humihingi ng tulong sa isang lalaking nagngangalang ‘Jonard’ dahil hindi rin niya ito kakilala.


Ayon pa kay Ms. Resureccion, wala naman aniya itong alam na may nakaalitan para siraan ito o gawan siya ng kahihiyan.

Dagdag pa nito, nais lamang nitong linisin ang kanyang pangalan na nabiktima ng panloloko at ginamit para makapang scam.

Humihingi rin ng tulong ang naturang Ginang sa kinauukulan para ma-trace kung sino ang gumamit nasa likod ng pekeng account at gumamit sa kanyang picture at para hindi na rin makapang biktima ng iba pa.

Facebook Comments