Isang ginang, ma-swerteng napili sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL ng RMN DZXL 558 Manila

17

Manila, Philippines – Isang ginang sa Brgy. Kaligayahan,Novaliches, Quezon City ang muling napasaya ng Serbisyong XL matapos mapili sa“Tawag ng Tulong”.
  Si Christina Macalinao, 33-anyos,  hiwalay sa asawa na mag-isang  tumataguyod ng kaniyang dalawang batang anakmatapos na sumakabilang bahay daw ang mister.
  Dagdag pa ni Christina, nagtitinda siya ng mga makakainsa tapat ng kanilang bahay para mabantayan din ang anak.
  Nais ni Christina na madagdagan ang kaniyang puhunanupang madagdagan din ang mga tinitinda nito dahil ayaw na din niyang umaasa sasustento ng kaniyang dating asawa.
 
  Dahil dito, bibigyan ng dagdag na puhunan ng SerbisyongXL si Christina kung saan nangako din ito na palalaguin ang negosyo attodo-todo din ang kaniyang pasasalamat.

Facebook Comments