Isang Ginang sa Alicia, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

217

Reina Mercedes, Isabela – Arestado ang isang ginang matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito kahapon partikular sa pampublikong pamilihan ng Alicia, Isabela.

Kinilala ang nahuli na si Sheenalyn Valdez Paguyo, trentay singko anyos, may asawa at residente ng Alicia, Isabela.


Dinakip ng PNP Reina Mercedes katuwang ang PNP Alicia si Paguyo matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Mary Jane Socan Soriano ng MTC Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Adultery.

Nasa himpilan na ng PNP Reina Mercedes ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.
May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Paguyo na nagkakahalaga ng P36,000.00.

Facebook Comments