Top 1 Most Wanted Person sa Ramon, Isabela, Nahuli na!

Ramon, Isabela – Timbog ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Ramon matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kahapon sa Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Gregorio Dalimot Caspillan, trentay singko anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Ramon si Caspillan matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong Robbery.


Nasa kustodiya na ng PNP Ramon ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago iturn over sa court of origin nito.

Pansamantala namang makakalaya si Caspillan kung makakapaglagak ng kaniyang piyansa na nagkakahalaga ng isang daang libong piso.

Facebook Comments