Isang Ginang sa Cabatuan, Isabela, Patay Matapos Saksakin ng Live in Partner!

1544

*Cabatuan, Isabela- *Patay ang isang ginang matapos saksakin kagabi ng kanyang live-in-partner sa Centro, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Lenlen Dalin, 43 anyos, may asawa at residente ng brgy San Fermin, Cauayan City, Isabela habang ang suspek na pinaghahanap pa ng mga otoridad ay si Rafael Jimenez, 40 anyos, isang rice mill helper at residente ng Calaocan, Cabatuan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang nakikipag inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan ay biglang dumating ang suspek na positibo sa alak at bigla na lamang sinaksak ang biktima gamit ang isang kutsilyo.

Agad na tumakas ang suspek matapos nitong saksakin sa kaliwang dibdib ang biktima.

Dinala pa sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng kanyang buhay.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon at paghahanap ng PNP Cabatuan laban sa suspek na si Rafael Jimenez.

Facebook Comments