IGINIIT | Desisyon sa Revilla case, may epekto sa mga PDAF cases – Jing Paras

221

Manila, Philippines – Tiyak na magkakaroon ng epekto sa mga kaso ng PDAF na naiuugnay kay Janet Napoles ang pagpapawalang sala ng first division ng Sandiganbayan kay dating Senador Bong Revilla.

Ito ang pananaw ni dating Congressman Jing Paras na dumating kanina dito sa Sandiganbayan.

Ayon kay Paras, ang pag-acquit ng anti-graft court kay Revilla ay magiging deterrent ito sa paglaban ng Duterte administration sa korapsyon.

Aniya, ipinakita ng hatol na naisilbi na ang hustisya sa sambayanan.

Mahalaga aniya ang integridad ng hudikatura upang makuha ang kooperasyon sa anti-graft campaign ng gobyerno.

Facebook Comments