Isang ginang sa China, nakuha ang record sa pinaka-mahabang pilik-mata sa buong mundo

37

Panghimagas – Isang 49-anyos na ginang ang gumagawa ngayon ng pangalan sa Guinness world record.

Si You Jianxia na isang investment fund director sa Shanghai ay nakikilala ngayon dahil sa nakuha nito ang bagong record sa “world’s longest eyelashes”

Nabatid kasi na aabot sa 12.4 centimeter ang kaniyang piliik-mata kung saan sampung beses ang haba nito sa ordinaryong eyelashes ng isang tao.

Kwento ni Jianxia, 2013 nang mapansin niyang humahaba ang kaniyang mga pilik-mata at hinayaan na lamang niya ito dahil marami daw ang natutuwa sa nakakakita nito.

Facebook Comments