Lebron James, nangunguna sa listahan ng top NBA player sa sports illustrated

45

Sports – Nanguna pa rin si Lebron James sa pinakamagaling na manlalaro sa buong mundo base sa inilabas na 10 best players list ng sports illustrated.

Ito na ang ikalawang beses na pananatili ng Cleveland Cavaliers Star sa puwesto sa loob ng ikalimang taon.

Pumangalawa naman sa listahan si NBA finals Most Valuable Player Kevin Durant at pangatlo si Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Pang-apat si James Harden ng Houston Rockets, pang-lima si Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs, pang-anim si Russel Westbrook ng Oklahoma City.

(7) si Chrsi Paul ng Houston, (8) Anthony Davis ng New Orleans, (9) Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee at pang-sampu si Draymond Green ng Golden State.

Facebook Comments