Isang ginang sa China, natapos na ang pinapangarap na palasyo na gawa sa ceramics at porcelain

Panghimagas – Isang 86-years old na lola ang tuwang-tuwa ngayon matapos nitong makumpleto ang pinapangarap na sariling palace (palasyo) na gawa sa mga porcelain at ceramics.

Si Yu Ermei, na mula sa Jingdezhen, Easter China ay inabot ng limang taon para makumpleto ang kaniyang dream palace kung saan ginamit niya dito ang mga collection ng ceramics at 60,000 pieces ng porcelain na kaniyang naipon sa loob ng 30 taon.

Una siyang nakabili ng 1,200 square meters ng lupa saka niya ginawang pundasyon ang nasa 80 tons ng basag na porcelain at ang iba namang mala-unang panahon na mga jars at flower base ay ginawa niyang decorations sa loob.


Tinataya naman aabot sa $900,000 (P45,441.000) ang nagastos ni Yu at plano naman niya daw itong gawing bukas sa publiko bilang isa sa mga tourist attraction sa kanilang bayan.

Facebook Comments