Isang groundhandler sa NAIA tinamaan ng kidlat

Iginiit ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal ang kahalagaan ng Red Lighting Alert sa paliparan.

 

Ayon kay Monreal kahapon kasi isang groundhandler ng Macroasia ang tinamaan ng kidlat .

 

Kinilala ang biktima na si Joel Arejola, 30 y/o.


 

Kwento ni Monreal nasa hagdan si Arejola at tinatanggal ang ground power unit mula sa papaalis ng eroplano nang tamaan ito ng kidlat.

 

Agad namang dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng minor injuries.

 

Matatandaang nag isyu ang MIAA kahapon ng red lightning alert mula 6:53pm at tinanggal bandang 7:28pm.

 

Ang Red Lighting Alert ay ipinatutupad sa paliparan upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari kapag may intense lighting activity na maaaring  maglagay sa panganib sa mga tauhan, pasahero, at maging sa operasyon ng pagliparan.

Facebook Comments