Isang grupo na pabor sa NCAP, nagkasa ng rally sa Korte Suprema

Nagkasa ng kilos protesta ang isang grupo na pumapabor sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Mismong ang mga miyembro at opisyal ng Coalition para sa Kaayusan ng Lansangan ang nagtungo sa Korte Suprema upang ipanawagan na ipaliwanag kung bakit pinapahinto ang NCAP.

Giit ng grupo, nagkaroon naman ng serye ng konsultasyon sa mga stakeholders habang inilalatag at binubuo ng NCAP.


Matapos nito, idinaaan rin sa evaluation ang lahat ng suhestyon at rekomendasyon ng mga hindi pabor at pabor sa pagpapatupad ng NCAP.

Matapos nito ay nagkaroon ng pag-uusap ang magkabilang panig para maaprubahan ang NCAP.

Isa rin sa napagkasundun kung bakit naaprubahan ang NCAP ay para mabawasan ang pang-aabuso ng mga traffic enforcers na kadalasan ay sila na mismo ang nagde-desisyon kung ano ang naging paglabag mg motorista lalo na’t mayroon silang quota.

Muling iginiit ng grupo na ang pagpapatupad ng NCAP ay isa rin paraan para mabawasan ang korupsyon sa usapin ng multa sa paglabag sa trapiko.

Dahil sa NCAP, naging disiplinado at nag-iingat ang mga motorista kung saan nagiging ligtas rin ang mga naglalakad sa gilid ng kalsada.

Nais malaman ng Coalition para sa Kaayusan ng Lansangan kung ano ang pinaka-dahilan kung bakit may mga indibidwal ang naghain ng petisyon para pigilan ang NCAP gayung maganda naman ang idinudulot nito.

Facebook Comments