Nanawagan ang isang grupo ng pribadong mobility users sa Local Government Units (LGUs) na magtalaga o maglagay ng bike lanes sa kanilang mga lugar.
Paliwanag ng grupo, dahil sa tinatawag na ‘new normal’, nararanasan ang kahirapan sa transportasyon kaya’t dumarami ang bumibili at gumagamit ngayon ng bisekleta at mga scooter papasok sa kanilang mga opisina.
Ayon kay EDSA Revolution Keisha Mayuga, isang pribadong mobility users, malaking tulong bagama’t sinusubok o dry run pa lamang ang paglalagay ng bike lane sa northbound lane ng EDSA mula White Planes hanggang Boni Serrano Avenue sa Quezon City para sa mga manggagawa na gumagamit ng bisekleta at scooters.
Suportado aniya ng kanilang grupo ang kampanya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naghihikayat sa mga LGU para maglagay na rin ng bike lanes para sa kaligtasan ng mga tulad nilang gumagamit ng bisikleta at scooters papasok sa kanilang trabaho.
Matatandaan na bukod sa Pasig City, may dati na ring bike lanes ang Marikina City.