Isang guro ng Maguindanao binaril patay sa lungsod

20

Isang guro ang biktima ng pamamaril kahapon sa lungsod dakong 5:30 ng hapon sa Jose Lim Sr.street particular malapit sa Tams Bakery barangay Poblacion 5. Kinilala ang biktima nasi Nasser Gayak 40 anyos, na teacher ng Buliok National High School at part time teacher din ng Mindanao Capitol Colleges Incorporated at residente ng Pagalungan maguindanao. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1 ni PCI Reynaldo Delanten, naglalakad umano ang biktima sa naturang lugar ng biglang nilapitan ng isang hindi nakikilalang suspect at walang kaabog abog na binaril ito ng ilang beses, na tinamaan sa ulo at katawan mula sa hindi matukoy na uri ng baril. Matapos ang pamamaril ay mabilis naman tumakas ang gunman sa hindi napag alamang direction habang ang biktima ay naisugod naman sa pagamutan.Blanco pa ang kapulisan kung anu ang motibo sa krimen at inaalam kung sino ang responsible sa krimen.

Facebook Comments