Dalawa katao timbog sa droga sa lungsod

19

Timbog ang dalawa katao kahapon sa isinagawang drug operations ng mga elemento ng PP2 sa pangunguna ni PCI Efren Salazar, kasama ang City Drug Enforcement Unit at PDEA-ARMM dakong alas 2:25 ng hapon sa Governor Gutierez avenue barangay RH-9 ng lungsod. Kinilala ang mga suspect na sina Datu Manot Datokali alyas Pao Pananggulon at Onassis Rodriquez Bangod pawang nakatira sa Notre Dame Village barangay RH-8 ng siyudad. Nakuha sa kanilang posisyon ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos at isang lighter. Ayon pa kay PCI Salazar, matagal na umano nilang sinusubaybayan ang mga suspect dahil sa pagtututulak nila ng droga at kahapon ay ikinasa nga ang operasyon.Silay nakapiit na at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments