ISANG GURO SA ALAMINOS CITY, ARESTADO DAHIL SA PAMEMEKE NG MGA RESIBO

Inaresto ng mga otoridad ang isang public school teacher sa Alaminos City matapos umano itong mag-isyu ng mga pekeng resibo sa nasabing bayan.
Ang suspek ay inireklamo ng kanyang kliyente matapos umanong mag-isyu ng mga pekeng resibo mula pa noong isang taon na nagkakahalaga ng mahigit walumpung libong piso.
Isinagawa ang entrapment operation pasado alas-dos ng hapon kung saan ay nakuha pa mula sa suspek ang ilang mga parcels na sinasabing order sa kanya ng kanyang mga kliyente.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments