Isang guro sa pampublikong paaralan sa Capiz, arestado sa drug buy bust operation

98

Panay, Capiz – Arestado ang isang Public SchoolTeacher sa isinagawang drug buy bust operation ng Provincial Drug EnforcementUnit, Panay PNP at PDEA 6 sa Brgy. Tanza Sur, Panay, Capiz kagabi.
Kinilalaang suspek na si Ronald Burata y Destajo 40 anyos, residente ng Barangay Cogon sa nasabing bayan. Nakuha ng mga otoridad sa  kamay ni Burata ang apat na sachet ng suspected shabu, P500 na marked money atisang motorsiklo.
Ayon kay Police Senior Inspector Romeo Mallari, hepesang Panay PNP, matagal ng binabantayan ng mga pulis ang iligal na gawain niBurata at isa ito sa mga new identified high value target ng PNP
Si Burata ay aktibong nagtuturo sa Buntod Elementary School sa bayan ng Panay. Paglabag sa R.A. 9165 oComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kakaharapin ng nasabingguro. tags:Visayas,Roxas,DYVR,DYVR657,Straight to the point,Kasamang Jessie,Provincial Drug Enforcement Unit,Panay PNP at PDEA 6,Police Senior Inspector Romeo Mallari,drug buy bust,Buntod Elementary School,Panay,Capiz,R.A. 9165

Facebook Comments