Isang gusali sa lungsod ng Maynila, nasunog

100

Manila, Philippines – Tinupok ng apoy ang isang condominium unit sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa BFP, sumiklab ang sunog sa isang palapag ng Landseaire 1 Mansions condominium na matatagpuan sa Espiritu St., Malate sa naturang lungsod.

Sinasabing nagsimula ang sunog 2: 48 na umabot sa unang alarma.

Mabilis namang rumesponde ang mga bumbero at agad na naapula ang naglalagablab na apoy na idineklarang fire out bandang alas-3:24 ng umaga.

Nagsimula ang apoy sa unit 303.Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Tinatayang nasa 50,000 pesos ang halaga ng ari ariang natupok sa sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog dahil mabilis na kinatok at pinalabas ang mga residente.

Facebook Comments