Drug suspect, patay sa pamamaril sa Taguig City

147

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang tulak ng droga makaraang pagbabarilin sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig.

Ayon kay PO1 Jomar Pahitong ng Taguig PCP 3, nakikipagkwentuhan lamang ang 39 anyos na si Erdie Basijan, sa isang fashion boutique na hindi kalayuan sa kanyang bahay sa VP Cruz street nang barilin ito sa ulo.

Nadaplisan din ng bala sa dalawang binti ang may-ari ng boutique na si Darwin Banson.

Sabi ni Banson, 10:30 ng gabi nang may dumating na apat na lalaking sakay ng motorsiklo kung saan isa sa kanila ang bumaba, binaril si Basijan sa ulo at nang tumumba ay binaril din sa katawan.

Tumakas ang mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa hindi matukoy na direksiyon.

Inamin naman ni Mang Valente, ama ng biktima, na gumagamit at nagbebenta ang kanyang anak ng iligal na droga.

Facebook Comments