Isang Helper sa Alicia, Isabela, Inaresto dahil sa kasong Statutory Rape!

*Alicia, Isabela- *Timbog ang isang helper matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas dose kaninang tanghali sa brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Hipolito Ararao Umigop , singkwentay syete anyos, isang helper at residente ng nasabing barangay subalit tubong Panabo City, Davao Del Norte.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Alicia si Ararao sa bisa ng Warrant of Arrest nito na inihain ni hukom Dorothy Monte-Gonzaga ng RTC Branch 4, Panabo City dahil sa Kasong Statutory Rape at walang inirekomendang piyansa.


Dinala na sa PNP Alicia ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments