Isang Lalaki sa Mallig, Isabela, Arestado sa Pagtutulak ng Tatlong Pakete ng Droga!

*Mallig, Isabela-* Timbog sa kamay ng mga otoridad ang isang tulak ng droga matapos mahulog sa ikinasang Drug buy bust operation ng mga otoridad sa brgy. Manano, Mallig, Isabela.

Natiklo ang suspek na si Nicomedes Lucena Sabatin, kwarentay otso anyos at residente ng Sitio Villa Corazon, Manano, Mallig, Isabela.

Dinakip ng mga otoridad si Lucena matapos nitong bentahan ng marijuana ang isang police poseur buyer sa halagang limang daang piso.


Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at ang limang daang pisong marked money.

Nakapiit na sa himpilan ng PNP Mallig ang suspek at mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments