ISANG HIGH VALUE TARGET, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST OPERATION

Cauayan City – Isa nanamang drug personality ang nakorner ng mga awtoridad sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-Bust Operation sa Brgy. Minallo, Naguilian, Isabela.

Ayon sa ulat, ang suspek ay kinilalang si alyas “Rome”, naaresto matapos positibo nitong mabentahan ng iligal na droga ang awtoridad na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng silyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na siyang buy-bust item, isang tunay na 500 peso bill na siyang buy-bust money at isang 1000 peso bill boodle money, cellphone, at motor.


Matapos ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya ay dinala ang mga ito sa himpilan ng Naguilian Police Station ganundin ang suspek na nakatakdang maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments