Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong Police Station ang isang hinihinalaang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Blk 17, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.
Kinilala ang suspek na si Roy Ragos y Advincula, 43 anyos.
Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong PNP, nakuha sa suspek ang limang pirasong plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng .61 gramo at nagkakahalaga ng P4,148 at P300 na buy-bust money.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.
Facebook Comments