Isang hinterland barangay sa Iligan may namataang grupo grupo na may dalang armas; iilang residente lumikas dahil sa takot

  Inaalam na ngayon ng mga opisyal ng barangay Mainit ditosa lungsod ng Iligan kung anong klaseng grupo ang namataan sa kanilang barangayngayon kung saan may dala-dalang mga armas de fuego.
 

Ayon kay Mainit Barangay Kapitan Alfredo Mehino, biglalang umanong lumitaw ang mga ito sa kanilang barangay at hindi naman gumawa ngkarahasan o kahit ano mang gulo.
 

Pero iilang residente na ang nagsipag-alisan sa kanilangbarangay dahil sa takot ng naturang mga grupo kung sakaling may gagawin itongmga karahasan.
 


Kayat hinimok ni kapitan mehino ang mga ito na umalisnalang sa kanilang barangay kung wala naman silang masasamang pakay.
 

Inutos na rin ni Mayor Celso Regencia sa mga kapulisan atkasundalohan na e-monitor ang nasabing mga grupo at handa siyang magbigay ngkahit ano mang suporta mapigilan lang ang masamang binabalak ng mga ito.
 

Ang barangay Mainit ay isa sa mga hinterland barangaydito sa lungsod ng iligan. (GHINER L. CABANDAY, RMN ILIGAN DXIC)

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments