Isang human rights group, umaasang papaboran ng ibang miyembro ng United Nations ang naging resolusyon ng iceland na imbestigahan ang pagtaas ng bilang ng paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas

Nanawagan ang human rights group na karapatan na suportahan sana ng mga miyembro ng United Nations ang naging resolusyon ng bansang Iceland.

 

Nabatid kasi na sa iminungkahi ng Iceland sa UN Human Rights Council na magsagawa na sila ng imbestigasyon hinggil sa nangyayaring paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

 

Sinuportahan naman ng nasa 28 European States ang inihaing resolusyon ng Iceland pero para umusad ito kinakailangan na umabot sa 47 na miyembro ng council ang dapat pumayag sa nasabing usapin.


 

Iginiit din ni Cristina Palabay secretary general ng katapatan na dapat nang kumilos ang UN Human Rights Council dahil kalahati pa lamang daw ng termino ng Pangulong Rodrigo Duterte ay mas lalong lumala ang extrajudicial killings bunsod na din ng kampaniya ng gobyerno kontra iligal na droga.

 

Bukod dito, umaasa sila na boboto din ang iba pang miyembro ng council para matapos na umano ang pagtapak sa karapatang pantao ng bawat Pilipino.

 

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na handa ang pamahalaan na humarap sa anumang imbestigasyon pero sa naging pahayag naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na  walang ibang bansa ang dapat makialam sa ginagawa ng gobyerno para panatilihin ang kapayapaan at kaayusan dahil maaapektuhan nito ang soberanya ng Pilpinas.

Facebook Comments