ISANG IDOL NA TATAY/LOLO, TOP FINISHER SA ISANG RUNNING KOMPETISYON SA BAYAN NG ASINGAN, KILALANIN

Kahit matanda na ay kailangan pa ring alagaan at imaintain ang ating kalusugan kung kaya’t kilalanin natin si Tatay o Lolo Alfred Manipon, 80 years old na tinanghal bilang “oldest marathon runner” sa naganap na FVR’s “Taray Ti Asingan” sa bayan ng Asingan noong June 5 ngayong taong 2023.
Ayon kay lolo Alfred, isa sa kaniyang sports at gustong gustong gawin at ang pag jogging at pagtakbo. Para daw mapanatili ang magandang kalusugan, huwag kang uupo lang or hiihiga magdamag, kailangang lumabas ka at enjoyin ang buhay. Dagdag pa niya, hinimok rin ni lolo Alfred ang kaniyang kapwa OFW para makauwi sa bayan at makisalamuha sa nasabing aktibidad.
Ang nasabing marathon ay bahagi ng isa sa event ng Kankanen Festival na pinagdiriwang sa bayan ng Asingan, Pangasinan. Tunay nga ang kasabihan na “Ang kalusugan ay tunay na kayamanan” kaya’t alagaan ninyo ang inyong mga sarili at kalusugan mga idol. |ifmnews

Facebook Comments