DALAWANG MAKEUP ARTIST, NAHULIHAN NG SHABU AT BARIL SA BINALONAN

Arestado ang dalawang Makeup Artist matapos ang matagumpay na Buy Bust Operation laban sa mga ito sa bayan ng Binalonan.
Target ng Buy Bust Operation si Arnold Pagatpatan alyas Chacha na backride ng isa pang suspek na nakilalang si Joseph Baquiran.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa mga suspek pasado alas nuebe ng Gabi sa may Brgy. San Felipe Central na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .2 gram at nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso at isang Improvised Homemade na baril.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments