ISANG ILLUSTRATOR IBINAHAGI ANG MGA GOWNS NA TUNAY NGANG PANG INTERNATIONAL ANG DATINGAN KAHIT PA SA PALENGKE LANG ITO MAKIKITA

Umani ng magandang reaction mula sa twitter world ang share post ni Nicci, isang illustrator kung saan ibinahagi nito ang mga gowns na tunay ngang pang international ang datingan kahit pa sa palengke lang ito makikita.
Ang mga gowns ay naka display ng makuhanan niya mula Bagsakan Market sa Urdaneta City, Pangasinan na kanyang ibinahagi sa social media na umabot sa 24,000 likes at 1,423 retweets.
Ilan sa mga tweets ng ating mga idol ay hindi makapaniwalang ‘for rent lang ang mga magagandang gown ’, ‘palengke gowns. Underrated’. ‘Better than Miss Universe’ gowns’, at ‘Better than luxury gowns I’d say’.

Ibinahagi din ng iba kung saan pa makakahanap ng ganitong klaseng gowns tulad na lang dyan sa Malimgas public market Dagupan.
Binigyan pagkilala din nila ang mga mananahi dahil sa husay at ganda ng kanilang likha.
Samantala matatandaang pinarangalan ng sangguniang panlalawigan ng pangasinan si Rian Fernandez mula sa bayan ng Alcala na siyang nag disenyo ng obra nitong gown para kay Ms. Universe 2023 USA. |ifmnews
Facebook Comments