𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗣 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗡𝗜𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔

Dead on arrival sa pagamutan ang 35 anyos na motorista kinilalang si Ruben Javier matapos mabangga ng trak sa may kahabaan ng National Road sa Brgy. Maronong, Sta. Barbara.

Lumalabas na tinatahak ni Javier ang daan nang sakupin ng trak ang linya nito at mabangga siya habang nagmamaniobra papasok ng kanilang warehouse.

Itinakbo pa ito sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival. Hindi nakasuot ng protective helmet ang biktima nang maganap ang insidente.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang driver ng trak kinilalang si Ruderick Cabenta at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments