ISANG INDIBIDWAL, KUSANG SUMUKO MATAPOS MALAMANG MAYROON ITONG WARRANT OF ARREST

Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang ginang mula sa Isabela matapos mapag-alamang mayroon itong warrant of arrest para sa kasong Anti-Trafficking.

Kinilala ang nasabing indibidwal na si Roma Christine Dagdag, 33-anyos, may asawa, at residente ng Barangay Upi, Gamu, Isabela.

Ayon sa ulat ng pulisya, nang malaman ng ginang na mayroon itong warrant of arrest (WOA) ay nag desisyon itong magtungo sa police station upang isuko ang kaniyang sarili.

Samantala, ang Anti-Trafficking in person na ikinaso sa nasabing ginang ay may piyansang nagkakahalaga ng nasa P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments