Isang kaanak ng pinatay na Bien Unido, Mayor – nakunan na ng DNA sample para sa gagawing DNA test

Cebu – Isa sa apat na mga kapatid ng pinaslang na mayor ng Bien Unido, Bohol na si Gisela Bendong-Boniel ay nakunan na ng swab sample sa kaniyang laway para sa gagawin na DNA testing.

Ikukumpara ang DNA sample ng kapatid ng nawawalang alkalde sa mga bakas ng dugo na nakuha mula sa pumpboat na sinasabing sinakyan ni Mayor Boniel nang ito ay barilin at itapon sa karagatan ang kaniyang katawan.

Pumayag ang mga kaanak ni Mayor Boniel sa hiling ng pulisya na makunan sila ng sample para sa gagawin na DNA testing na makakatulong sa imbistigasyon sa krimen.


Sumama rin kahapon ang ilang kaanak ni Mayor Boniel sa ikapitong araw ng search and rescue operation sa bangkay ng mayor na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.

Facebook Comments