Isang kadete ng PNPA isinugod sa ospital dahil sa umano’y biktima ng  hazing

Manila, Philippines – Kinumpirma ng tagapagsalita ng Philippine National Police Academy (PNPA) si Police Lieutenant Colonel Byron Allatog na isa nilang kadete ang patuloy na ginagamot ngayon dahil sa umano’y biktima ng pagmamaltrato o hazing.

Kinilala itong si Cadet 4th Class John Desiderio na nagreklamo ng pananakot ng tyan nitong October 29 ng umaga.

Una siyang isinugod sa PNPA dispensary pero payo ng doctor ilipat agad sya sa PNP General Hospital pagdating PNP General Hospital inilipat rin siya sa East Ave Hospital.


Sinabi ni Allatog na sa kanilang inisyal na imbestigasyon posibleng maltreatment ang nangyari sa kadete.

Ngunit makukumpirma aniya ito kung magsasalita mismo ang biktimang si  Desiderio.

Facebook Comments